Isip at Talino
ISIP AT TALINO Written by: Michael Marcial I. Ang talino ang kapangyarihan nang isang tao, Na ibinigay ng Diyos sa’tin ng buong-buo. Pahalagahan ito’t palaguin nang husto, ’Pagkat ito’y ating magagamit nang totoo. II. Huwag gamitin sayong sariling kapakanan, Pandaraya sa iba’t sa walang kabuluhan, Sapagkat hahantong ka sa isang kamatayan; Ang yong kaparusahan ay walang katapusan. III. Gamitin sa mabuti at sa may kabuluhan, Ito’y iyong sangalang sa kasinungalingan, Pandaraya ng iba at sa mga mapanlinlang. Hindi ka matutukso o magkamali man lang. IV. Ibukas ang iyong isip at ito’y masusumpungan, Ang mga bagay na dapat at ang katotohanan. Ang katotohanan na magpapalaya sayo, Sa kadilimang ito ng buhay mo sa mundo. V. Ang katotohanan ang magpapalaya sayo At magliligtas sayo sa apoy ng impyerno. Ipaglaban ang tama at magpakatotoo Sa pagpapalaganap ng katotohanang ito. VI. Langit at impyerno ang ating kahahantungan. Ang langit ang s'yang buhay na walang hanggan. Ang ...