Isip at Talino

ISIP AT TALINO
Written by: Michael Marcial

I. 
Ang talino ang kapangyarihan nang isang tao,
Na ibinigay ng Diyos sa’tin ng buong-buo.
Pahalagahan ito’t palaguin nang husto,
’Pagkat ito’y ating magagamit nang totoo.

II.
Huwag gamitin sayong sariling kapakanan,
Pandaraya sa iba’t sa walang kabuluhan,
Sapagkat hahantong ka sa isang kamatayan;
Ang yong kaparusahan ay walang katapusan.

III.
Gamitin sa mabuti at sa may kabuluhan,
Ito’y iyong sangalang sa kasinungalingan,
Pandaraya ng iba at sa mga mapanlinlang.
Hindi ka matutukso o magkamali man lang.

IV.
Ibukas ang iyong isip at ito’y masusumpungan,
Ang mga bagay na dapat at ang katotohanan.
Ang katotohanan na magpapalaya sayo,
Sa kadilimang ito ng buhay mo sa mundo.

V.
Ang katotohanan ang magpapalaya sayo
At magliligtas sayo sa apoy ng impyerno.
Ipaglaban ang tama at magpakatotoo
Sa pagpapalaganap ng katotohanang ito.

VI.
Langit at impyerno ang ating kahahantungan.
Ang langit ang s'yang buhay na walang hanggan.
Ang impyerno ang walang hanggang kaparusahan.
Ang Tumubos ang daan tungo sa kaligtasan.

Comments

TOP POSTS

List of BSP Licensed Digital Bank in the Philippines

From Bitcoin to Digital Ledger Technology: Transforming Financial Systems of the Philippines

Landbank offer new emergency loan to all Government Employees, Pensioners

How to Increase your Maya Easy Credit Limits?

Cashmum Lending App Review | The things you need to know!

Personal Loan in Mabilis Cash | FinTech Review

The Philippines Central Bank will launch its own Digital Currency by 2029