The reality behind the images
Bakit hindi mo maunawaan at bakit hindi mo makita ang katotohanan? Why you cannot try to explore the bible? If you believe in God maniniwala ka rin sa mga salitang nakasulat sa bibliya. May mga taong naniniwala sa Diyos Ama na hindi naniniwala sa nakasulat sa Bibliya. Magiging matatag ka lang sa pananampalataya kapag naniniwala ka sa lahat ng nakasulat dito malibang inilimbag ito na may binago. May ibang tao na nagsasabing “ Oo, naniniwala ako pero hindi naman lahat ng nakasulat sa bibliya ay totoo”. Paano mo ngayon masasabing naniniwala ka kung sa salita Niya’y wala kang pananampalataya. Ang Totoong Kristiyano ay naniniwala sa Ama at Sa Panginoon. Kapag mahina ang pananampalataya mo mabilis kang malilinlang ng diyablo.
Gusto mo ba na mapasali ka sa nalinlang ng diyablo? Huwag mong hayaan ito!
Kapatid, alam ko nabasa mo ito hindi dahil napilitan ka lamang at hindi mo inakala, ito’y kalooban ng Diyos para malaman mo ang katotohanan.
Naniniwala ka ba na dapat may larawan sa harapan mo para makipag-usap sa Diyos? Naniniwala ka ba na ang imahe ang simbolo ng iyong pagsamba? Naniniwala ka ba na ang larawang hinihimas mo ay kinalulugdan ng Diyos? Naku! Kapatid ko, mamulat ka sa katotohanan , Gumising ka sa pagkakatulog sapagkat ang naniniwala dito at sumasamba ay isa sa paparusahang mapunta sa naglalagablab na lawang apoy.
“Subalit malagim ang kasasapitan ng mga duwag, ng mga taksil, ng mga nagpapasasa sa kasuklam-suklam na kahalayan, ng mga mamamatay-tao, ng mga nakikiapid, ng mga mangkukulam, ng mga sumasamba sa diyus-diyosan, at lahat ng mga sinungaling. Ang magiging bahagi nila'y sa lawa ng nagliliyab na asupre. Ito ang pangalawang kamatayan.” – Pahayag 21:8
Lahat nang gumagawa ng bagay na iyan ay paparusahan. Ano ba ang larawan at Diyus-diyosan na tinutukoy dito? At sino-sino ba ang nalinlang at nanlinlang?
"Inililigaw nito ang mga nananahan sa lupa. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng mga tanda na ipinagawa sa kaniya sa harapan ng unang mabangis na hayop. Sinabi nito sa mga tao na nakatira sa lupa, na gumawa sila ng isang larawan ng unang mabangis na hayop na nasugatan ng tabak at nabuhay ito. Binigyan ito ng kapangyarihan ang ikalawang mabangis na hayop upang bigyan niya ng hininga ang larawan ng mabangis na hayop. Ang larawan ng mabangis na hayop ay magsasalita at ipapapatay niya sa mga tao ang mga hindi sumasamba sa larawan ng mabangis na hayop. Ang mga dakila at mga hindi dakilang tao, ang mayayaman at mahihirap, ang mga malaya at ang mga alipin ay ipapatatakan niya sa kanilang kanang kamay o sa kanilang noo. Ang may tatak lamang ng mabangis na hayop ang makakabili o ang makakapagbili. Dapat ay taglay nila ang tatak o ang pangalan o ang bilang ng pangalawang mabangis na hayop.
Ito ang kaalaman: Ang may pang-unawa ay dapat bilangin ang bilang ng mabangis na hayop. Ang dahilan, ito ang bilang ng isang tao. Ang bilang ay anim na raan at animnapu't anim.” –Pahayag 13: 14-18
UNAWAIN NINYO AT PAGBULAYBULAYAN ANG SALITANG ITO NA PINAPAHIWATIG SA ATIN NG DIYOS.
Comments
Post a Comment
Leave your comment and additional information..