666 o 616 : Bilang ng Halimaw

Ang 666 (Six hundred sixty six) ay bilang na nakasulat sa aklat ng apocalipsis sa Bagong Tipan ng Bibliya. Ito ang bilang ng halimaw na sinasabing pagkakakilanlan o katumbas nang isang pangalan ng lalaki. Sino mang tao ang matatakan ng kaniyang Pangalan o ng Bilang na ito ay siya lamang makabili o makapagbili nang ano man. Ito ang nakasulat sa Apocalipsis 13:16-18:
"At ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin ay pinabigyan ng isang tanda sa kanilang kanang kamay, o sa noo; At nang huwag makabili o makapagbili ang sinoman, kundi siyang mayroong tanda, sa makatuwid ay ng pangalan ng hayop o bilang ng kaniyang pangalan.
Dito'y may karunungan. Ang may pagkaunawa ay bilangin ang bilang ng hayop; sapagka't siyang bilang ng isang tao: at ang kaniyang bilang ay Anim na raan at anim na pu't anim."

Ang Bilang na 666 (Anim na raan at anim na pu't anim) ay binunyag ng panginoon sa pamamagitan ni apostol Juan upang ating malaman at masipaghandaan ang mga hula na ito sa sangkatauhan. Ito ay base sa mga lumang manuskrito ng mga tagapagsalin ng Bibliya.


Fragment from Papyrus 115 (P115)of Revelation in the 66th vol. of the Oxyrhynchus series (P. Oxy. 4499).Has the number of the beast as χιϛ, 616. (Source Wikipedia.org)
Ang 616 (Six hundred Sixteen) ay bilang ng halimaw na nakasulat sa isang piraso ng papyrus - uri ng sulatan na katulad nang isang manipis na papel na ginagamit ng sinaunang tao. Ang mga titik na (χιϛ) o Six hundred Sixteen ay nakatala sa isang piraso ng Papyrus na nakuha sa Siyudad ng Oxyrhynchus sa Middle Egypt na nasa pangangalaga ng Ashmolean Museum of Art and Archaeology. Ang Papyrus 115 at Ephraemi Rescriptus ay pinangunahan ang paggamit ng Bilang na 616 para sa Bilang ng Halimaw na nakasulat sa aklat ng Apocalipsis sa Bagong Tipan ng Bibliya. Dahil sa paglabas ng kapiraso ng Papyrus na ito maraming mga theologians ang nagkaroon ng alangan sa mga sinaunang nakasulat sa bibliya. 
Ano man ang bilang ng Halimaw na katumbas ng kan'yang pangalan na sa kan'yang paghahari ang lahat ng bagay ay magbabago at ang mga hulang ito ay magkatotoo ito man ay 666 o 616 dapat tayo ay maging handa sa mga bagay na maaring mangyayari sa sangkatauhan. Bagaman sa tingin natin ito ay simpling bilang lamang ngunit ito'y napakahalagang mensahe galing sa kataas-taasan upang tayo ay hindi maloko ng halimaw na ito. Bigyan nati ng halaga ang maliit na letra sa bibliya sapagkat ang mga salitang ito ay para sa atin at sa boong sangkatauhan.


Reference: https://en.wikipedia.org/wiki/Number_of_the_Beast

Comments

TOP POSTS

Sloan and SPayLater Users Review and Guide

Blockchain-Based Voting: The Solution to the Philippines' Electoral Woes

2 Ways to Cash Out Spaylater Credit Limit

How to Increase your Maya Easy Credit Limits?

New Species of Ginger discovered in Mindanao

Personal Loan in Mabilis Cash | FinTech Review

How to recover your Coins.ph account if you have lost access to your 2FA?