Ano nga ba ang mga nakatagong bilang sa Barcode?

Ano nga ba ang mga  bilang na nakatago sa barcode? Sabi ng iba ang dulo, gitna at simula nito ay may nakatagong Bilang. Una, Ano ba ang barcode at gamit nito?
UPC-A barcode symbol
(source: 
en.wikipedia.org)
Ang Barcode (bar code) ay mga patayong linya na may ibat ibang laki o kapal at distansya nito sa bawat isa na kumakatawan sa bawat bilang na may katumbas na "data". Ang Barcode ay naimbento nila Norman Joseph Woodland at Bernard Silver sa US noong 1952. Ang Barcode ay may kalakip na data kung anong produkto at ang katumbas na halaga nito. Sa pamamagitan ng pag-scan gamit ang barcode scanner dito malalaman ng carrier or receiver kung magkano ang halaga nito at kung ano mang data ang nakalakip nito.
       
Makikita natin ang mga barcode na ito sa mga produkto na ating ipinamimili sa market na kung saan gamit ang scanner ng cashier na mapabilis ang transaksyon ng bawat kostumer ng isang pamilihan. Kung kayo ay mapanuri kung ating titingnan may roong (6) anim na patayong linya na paripariho ang kapal at distansya sa bawat isa yong hindi naka-encode ang kanilang bilang. Ang dalawang patayong linya ay matatagpuan sa Unahan, Gitna at Hulihan ng Barcode. Ito raw ang tinatawag na start/end characteristics. Ang mga linya na ito ay hindi nababasa ng SCANNER. Base sa ilang nagsasabi ang Hidden Number na ito ay 666 (the Number of the Beast according to the book of Revelation), ang bilang na ito ng halimaw ay itatatak sa mga tao upang ang sino lamang ang may tatak nito ay siya lamang ang makapagbili ng pagkain o ano mang produkto (Please read: Apocalipsis 13:16-18).
 
Habang tumatagal dumarami ang mga bagay na naiimbento ng mga tao. Maaari kayang mangyaring ang barcode mismo ang itatak sa braso ng isang tao upang malaman ang kanyang identity? Maaaring
suriin natin ng mabuti kung ang tinatawag nilang start/end characteristics na ito ay 666 talaga. Pinabulaanan ni Harbert Harris sa kanyang artikulo ang sabi-sabing ito na ang start/end bars ay katumbas na Bilang ng Halimaw na sinasabi sa bibliya. Sabi n'ya "The False Prophet is evidently a human being, not a system of commerce. So, who is this person? Before we say that barcodes are the Mark of the Beast, we should identify the Beast first who have a mark they supposedly are."  Sa kanyang artikulo sa VIRTUALSALT sinabi n’ya ang mga patunay na walang hidden sixes sa barcode. Ngunit kung titingnan natin ang Larawan sa ibaba ang 6 (anim) na Start Bar at ang 6 (anim na encoded) ay magkapareho ang kapal at distansya nito sa bawat isa na tumataliwas sa sinasabi n’yang (6 is formed by alternating bars and spaces of width 1-1-1-4 and Guard bars are 1-1-1 or 1-1-1-1). Sabi ng ilang mga bloggers supposedly that the start/end bars are “666”. Ikaw ano sa tingin mo? 


Hindi malayong mangyaring ang Barcode ay maitatak sa tao bilang isang identity code sa patuloy na pag-unlad at sa mga bagong teknolohiyang naiimbento ng mga tao. Sa ngayon mabuting gumawa ng mabuti at maging mapagmatyag sa mga bagay na nangyayari sa ating lipunan.

Comments

TOP POSTS

List of BSP Licensed Digital Bank in the Philippines

From Bitcoin to Digital Ledger Technology: Transforming Financial Systems of the Philippines

Landbank offer new emergency loan to all Government Employees, Pensioners

How to Increase your Maya Easy Credit Limits?

Cashmum Lending App Review | The things you need to know!

Personal Loan in Mabilis Cash | FinTech Review

The Philippines Central Bank will launch its own Digital Currency by 2029