Paano maiiwasan ang Tukso?

Ang tukso ay isa sa pangunahing paraan ng diyablo upang tayo ay agawin nito sa kabutihan at idala sa kasamaan. Ang tukso ay nasa paligid lamang. Kahit saan ka pumunta ang tukso ay laging nandiyan at inaakit kang gawing ang bagay na hindi makakabuti sayo. Ngunit paano ba natin maiiwasan ang mga ito? Bagaman hindi tayo perpekto kailangan pa rin nating sundin ang tama kaysa sa gawin ang masama. Ito ang mga dapat gawin upang maiwasan ang mga tukso.

Talaan ng Nilalaman
I. Alamin ang iyong tukso
II. Huwag gawin ang isang bagay na maari kang matukso
III. Basahin ang Biblia Araw-araw
IV. Manalangin


Alamin ang iyong tukso
Ano ba ang tukso na ito? Sa palagay mo ba ang ginagawa mo ay tama o mali. Sa palagay mo ba ang mga bagay na ninanais mo ay hindi nararapat sa iyo. Kung ito man ay hindi nararapat at sa palagay mong ikaw ay magkakasala, ang bagay na ito malamang ay isang tukso.

Huwag gawin ang isang bagay na maari kang matukso
Ngayong alam mo na ang tukso sa buhay mo na maari kang magkasala at maaring labagin mo ang kagustuhan ng diyos huwag mo ng hayaang gawin mo pa ang bagay na ito. "Alam mo na ngang magkakasala ka ginawa mo pa". Pero minsan dahil sa tawag din ng pangangailan at mga kagustuhan kaya nagagawa ng tao ang isang kasalanan ngunit magkagayon man ang kasalanan ay kasalanan pa rin. 

Basahin ang Biblia Araw-araw
Bakit kailangan nating gumamit ng positibong mga salita para maiwasan natin ang tukso. Gawing araw-araw ang pagbasa ng Bibliya nang sa gayon lahat ng salitang iyong bibitawan ay mabubuti. Kung gayon, ano mang tukso ang dumating ay malalaman mo't maiiwasan ang mga ito dahil sa mga salitang nagtatak sa isipan mo.
 
Manalangin
Huwag kalimutang manalangin at tumawag sa panginoon. Oras-oras, araw-araw at gabi-gabi ay ugaliing manalangin upang ang mga tukso na ito ay maiwasan at mailayo sa atin ng panginoon. Idulog mo sa diyos ang bagay na kung saan ikaw ay nahuhulog sa pagkakasala upang sa gayo’y tulungan kang huwag gawin ang hindi nararapat at tulungang palakasin ang iyong loob upang malagpasan ang bagay na iyon.

Comments

TOP POSTS

List of BSP Licensed Digital Bank in the Philippines

From Bitcoin to Digital Ledger Technology: Transforming Financial Systems of the Philippines

Landbank offer new emergency loan to all Government Employees, Pensioners

How to Increase your Maya Easy Credit Limits?

Cashmum Lending App Review | The things you need to know!

Personal Loan in Mabilis Cash | FinTech Review

The Philippines Central Bank will launch its own Digital Currency by 2029