666 o 616 : Bilang ng Halimaw
A ng 666 (Six hundred sixty six) ay bilang na nakasulat sa aklat ng apocalipsis sa Bagong Tipan ng Bibliya. Ito ang bilang ng halimaw na sinasabing pagkakakilanlan o katumbas nang isang pangalan ng lalaki. Sino mang tao ang matatakan ng kaniyang Pangalan o ng Bilang na ito ay siya lamang makabili o makapagbili nang ano man. Ito ang nakasulat sa Apocalipsis 13:16-18: "At ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin ay pinabigyan ng isang tanda sa kanilang kanang kamay, o sa noo; At nang huwag makabili o makapagbili ang sinoman, kundi siyang mayroong tanda, sa makatuwid ay ng pangalan ng hayop o bilang ng kaniyang pangalan. Dito'y may karunungan. Ang may pagkaunawa ay bilangin ang bilang ng hayop; sapagka't siyang bilang ng isang tao: at ang kaniyang bilang ay Anim na raan at anim na pu't anim ." Ang Bilang na 666 ( Anim na raan at anim na pu't anim) ay binunyag ng panginoon sa pamamagitan ni apostol Juan upan