Ano nga ba ang mga nakatagong bilang sa Barcode?
A no nga ba ang mga bilang na nakatago sa barcode? Sabi ng iba ang dulo, gitna at simula nito ay may nakatagong Bilang. Una, Ano ba ang barcode at gamit nito? A UPC-A barcode symbol (source: en.wikipedia.org) Ang Barcode (bar code) ay mga patayong linya na may ibat ibang laki o kapal at distansya nito sa bawat isa na kumakatawan sa bawat bilang na may katumbas na "data". Ang Barcode ay naimbento nila Norman Joseph Woodland at Bernard Silver sa US noong 1952. Ang Barcode ay may kalakip na data kung anong produkto at ang katumbas na halaga nito. Sa pamamagitan ng pag-scan gamit ang barcode scanner dito malalaman ng carrier or receiver kung magkano ang halaga nito at kung ano mang data ang nakalakip nito. Makikita natin ang mga barcode na ito sa mga produkto na ating ipinamimili sa market na kung saan gamit ang scanner ng cashier na mapabilis ang transaksyon ng bawat kostumer ng isang pamilihan. Kung kayo ay mapanuri kung ating titingnan may roong (6) anim na pa