Paano malalaman kung babae o lalaki ang papaya

Ang papaya (Carica papaya linn.) ay isang prutas na berde kung hilaw at dilaw naman kapag hinog. Ang laman nito ay kulay orange o kaya naman ay orange-red. Ito ay nabubuhay sa kahit anong uri ng lupa pero mas maganda kung ito ay nakatanim sa loam soil o kaya’y clay-loam soil na may maayos na patubig.

Sa pagpatubo ng mga buto, ugaliing gumamit ng seed bed para masiguro kung ang papaya na itatanim mo sa iyong taniman ay namumunga o hindi. Ito ang palaging problema ng mga mahilig magtanim sa kanilang bakuran o sa kanilang bukid. Paano nga ba natin malalaman kung ang papaya ay namumunga o hindi? May dalawang uri tayo ng papaya, ito yong sinasabi natin na lalaki o hindi namumunga at babae naman ang papayang namumuga.

Sa dalawang papaya seedlings alin sa kanila ang lalaki o babae? Mas mabuting malaman natin ang simpling kaalaman na ito upang mas mapabuti at mabawasan natin ang oras na masasayang natin sa pagtatanim ng papayang hindi naman pala namumunga ng mabuti o totally na hindi. Ang papayang lalaki o hindi namumunga ay ang papayang mayroong main root na makikita mo sa kaliwa. Kapag nakakita ka ng papayang ito sa iyong seed bed huwag mo nang subukang itanim sa iyong taniman. 
Paano gawing lalaki ang babaing papaya?, Sa ating mga nakasanayan, kapag naitanim natin ang papayang lalaki at nakita natin na ito ay namulaklak lamang, pinuputol natin sa kalagitnaan ng puno at magkakaroon ito ng sanga. Ito ay namumunga ngunit maliliit hindi katulad ng papayang babae. Ang papayang babae o papayang namumunga ay ang papayang may ugat na parang fibrous, wala itong main root na tinatawag. Nawa’y sa simpling kaalaman na ito  sana nakatulong ito sa pagtatanim nyo.

Comments

TOP POSTS

Tamang sukat sa kulungan ng manok (broiler at layer)

Cashmum Lending App Review | The things you need to know!

5 kahalagahan sa pagtatangkilik ng organikong pagtatanim at pag-aalaga ng hayop

From Bitcoin to Digital Ledger Technology: Transforming Financial Systems of the Philippines

Personal Loan in Mabilis Cash | FinTech Review

New Species of Ginger discovered in Mindanao

PBBM encourages Farmers and fishermen to enroll in Department of Agriculture's insurance program