Tamang sukat sa kulungan ng manok (broiler at layer)

Isa sa mga factors na nakatutulong sa maayos na paglaki ng manok ay ang tamang sukat ng kulungan. Sa mga nag-aalaga ng manok pansabong at native na manok kadalasang binabaliwala na natin ang sukat at laki ng kulungan. Pero sa mga nagbabalak tumayo ng sariling poultry farm, this is the best first thing to know. Why? Maximizing the space we have is the best for the business para hindi masayang yong investment natin sa lupa. Bakit nga ba natin kailangan malaman ang tamang sukat sa kulungan ng manok? Halimbawa na lamang kung ikaw ay nagpagawa ng isang poultry house, kung hindi mo ito alam pwede kang malugi. Kasi possible kung ang capacity pala ng building mo ay kaya ang 10,000 heads of broiler and then you just raise only 8,000 heads, sayang pa din ang 2,000 heads na dapat ay magiging kita mo na. Just wise thinker, that’s why I wanna share this thing to those who are willing to put up a poultry farm. 

Ito ang tamang sukat, kailangan at least 0.75 sq. ft to 1 sq. ft ang sukat na pagkukulungan mo sa bawat isang head of broiler. 0.75 sq. ft ay ang sukat na the best para sa layer na manok. Mas maganda kasi na ang kulungan ng layer ay hindi masyado maluwang para mas maganda siya mangitlog. Ang broiler naman okey lang ang 0.75 sq. ft to 1 sq. ft. Ano ang mga advantages nito sa paglaki at performance ng manok mas lalo na sa ROI (Return of Investment) mo. 
 
Ito ang mga advantages ng tamang sukat ng kulungan sa manok,
  1. Na-uutilized mo ang lupang kinatitirikan ng iyong farm. Kapag nagamit mo nang maayos ang lupang nirentahan mo o binili mo hindi masasayang ang investment mo sa lupa.
  2. Mas marami kang maalagaan na broilers/layers. Sa inaakala mong kaunti lamang ang pweding makapasok sa iyong poultry house maaring masayang ang oras at panahon na sana ay malaki ang production mo. Kaya kung alam mo ang tamang sukat nito, alam mo rin kung ilang heads of chicken ang capacity ng building mo.
  3. Mas malaki ang manok. Kapag masikip ang kulungan mataas ang temperature sa loob ng kulungan kapag nagkagayon maaring pumayat  ang iyong mga manok at pwede pa itong humantong sa pagkamatay ng ilan sa iyong alagang manok.
Ilan lamang yan sa possible advantages kapag alam mo ang tamang sukat ng kulungan para sa iyong poultry house. Ito ay simpling kaalaman lamang ngunit maaaring maging tulong sa inyong mga magmamanok at nagbabalak mag-engage sa business na ito.

Watch the video here.

Comments

TOP POSTS

Sloan and SPayLater Users Review and Guide

Blockchain-Based Voting: The Solution to the Philippines' Electoral Woes

2 Ways to Cash Out Spaylater Credit Limit

How to Increase your Maya Easy Credit Limits?

New Species of Ginger discovered in Mindanao

Personal Loan in Mabilis Cash | FinTech Review