5 kahalagahan sa pagtatangkilik ng organikong pagtatanim at pag-aalaga ng hayop

Ano ba ang kahalagahan sa pagtatangkilik natin sa mga organikong produkto o sa mga produktong tinanim at inaalagaan sa ating bakuran. Ang organikong pagkain ay ang tinatawag na free synthetic foods o ang mga pagkaing hindi ginamitan ng mga kemikal. Samakatuwid, ang organikong pagkain ay ligtas at walang ano mang pweding makapagdulot ng malalang karamdaman. Maraming mga tao ngayon ang tumatangkilik sa mga ganitong produkto sapagkat ito ay hindi nakapeperwesyo bagkus ay nakatutulong pa sa kanilang karamdaman.



Ang sumusunod ay mga magagandang bagay na dapat nating malaman kung bakit kailangan nating tangkilikin ang mga organikong paraan ng pagtatanim at oganikong pag-aalaga ng hayop.

Nakakasiguro ka na ito ay ligtas at walang ano mang halong synthetic chemicals.
Sa bakuran natin, pwede tayong makapagtanim ng mga gulay at mag-alaga ng hayop sa organikong paraan. Siguro hindi naman na tayo mag-aaksaya pa ng pera para lamang sa ating pang-personal na pagkain. Hindi naman na natin kailangan bumuli ng pesticide, herbicide o synthetic fertilizer para lamang sa isang dipang tanim. Hinding-hindi mo na ito kailangan at alam mo sa sarili mo na ang kinakain mo ay ligtas at walang halong kemikal.

100 % na sariwa ang gulay, itlog, at karne na iyong lulutuin.
Kung nasa bakuran lamang ang iyong harden kahit anong oras ka pumitas ng gulay at manok o baboy na kakatayin ay nakasisigurado ka na ang iyong kakainin ay 100 % na sariwa. Huwag lamang kumuha ng sobra.

Bawas gastusin
Sa paraan na Produce your own foods makasisiguro kang kaunti ang magagastos mo para sa iyong ulam. Hindi ka na gagastos sa transportasyon papuntang palengke. 

Makatutulong ka pa sa kalikasan
Ang pagtatanim ay nakatutulong sa pagdagdag ng oxygen, pagbawas ng carbon dioxide at pagbawas ng basura sa kalikasan. Ang pag-aalaga ng hayop ay nakababawas sa basura sa iyong kapaligiran. Sa papaanong paraan? Ang mga basura na nabubulok katulad ng dahon, maliit na piraso ng papel, at iba pang pweding mabulok ay maaring gawing pataba sa ating pananim. Ang mga left-over natin sa kusina ay maaari nating ipakain sa ating mga alagang hayop. Sa pamamagitan nito nakatutulong tayo sa ating kalikasan.

Dagdag pagkakitaan (Extra Income)
Kapag ang mga gulay, itlog at karne na iyong nakuha sa bakuran ay sobra naman sa iyo maari mo itong ipagbili sa iyong mga kapitbahay o kakilala. Nakatulong ka na sa kanila, nakapag-promote ka pa nang organikong pagkain at kumita.

Comments

TOP POSTS

List of BSP Licensed Digital Bank in the Philippines

From Bitcoin to Digital Ledger Technology: Transforming Financial Systems of the Philippines

Landbank offer new emergency loan to all Government Employees, Pensioners

How to Increase your Maya Easy Credit Limits?

Cashmum Lending App Review | The things you need to know!

Personal Loan in Mabilis Cash | FinTech Review

The Philippines Central Bank will launch its own Digital Currency by 2029