Vicarius Filii Dei the 666 : Ito ba ay nakaukit sa papal tiara?
Marami sa atin ang nagtatanong at naghahanap ng kasagutan kung sino ang tinutukoy sa Pahayag 13:18 ng Bibliya. Alam ko na isa ka rin sa naghahanap ng kasagutan dito. Maraming mga haka-haka at mga pagsasaliksik ang ginagawa ng mga theologian para mabigyang kasagutan kung sino ba talaga ang halimaw na tinutukoy dito.
Ganito ang nakasulat sa Revelation 13:18
" Ang may tatak lamang ng mabangis na hayop ang makakabili o ang makakapagbili. Dapat ay taglay nila ang tatak o ang pangalan o ang bilang ng pangalawang mabangis na hayop.
Ito ang kaalaman: Ang may pang-unawa ay dapat bilangin ang bilang ng mabangis na hayop. Ang dahilan, ito ang bilang ng isang tao. Ang bilang ay anim na raan at animnapu't anim."
Sino nga ba ang hindi mababahala dito. Ang kapalit ay buhay kapag Ikaw ay napasailalim sa halimaw na ito. May iba na nagsasabing Barcode raw ang tatak na gagamitin sa noo at kanang kamay ng tao na may nakatagong bilang na katumbas ng pangalan ng Halimaw (666). Mayroong nagsasabi rin na ang Freemasonic daw ang sinasabing mga antichrist. Mayroon namang nagsasabing ang Roman Catholic ay isa sa organization na ito. Pero ito ang pumukaw sa akin, ang isang paratang ng ibang sekta tungkol sa Vicarius Filii Dei na sinasabing naka-encrypt sa papal crown or tinatawag na triple crown.
Vicarius Filii Dei ay unang ginamit ni pope Constantine. Sinasabing ang pope ang kahalili ng ating panginoong Hesus. Alam naman nating sinasabi ng Roman Catholic na si Saint Peter ang pinakaunang Pope at ang pundasyon ng simbahang katoliko. Ngunit agad namang itong pinatunayan ng Roman catholic na walang nakasulat na Vicarius Filii Dei.
Ano nga ba ang VICARIUS FILII DEI?
Vicarius Filii Dei is a latin phrase means representative of Son of God (Wikipedia). The sum of this phrase is 666.
V = 5; I = 1; C = 100; A = no value; R = no value; I = 1; U/V = 5; S = no value = 112
F = no value; I = 1; L = 50; I = 1; I = 1= 53
D = 500; E = no value; I = 1 = 501
112 + 53 + 501 = 666
Dahil sa paggamit ng katawagang ito sa pope marami ang nagsabing ang Roman Catholic daw ay antichristus romanus.
Isa si Bro. Cenon Jr. na tumugon sa mga katanungang ito tungkol sa paratang ng ibang relihiyon sa papal tiara na umanoy may nakaukit na katagang Vicarius Filii Dei. Ito'y isinulat niya sa kaniyang blog na Tumbukin-Natin. Ngunit ako ay may napasin sa kaniyang kasagutan at pagpapaliwanag na dito'y binanggit niya ang mga katawagan sa Santo Papa ng Roma isa na rito ang Vicar of Christ.
Bahagi ng pahayag ni Bro. Cenon Jr sa Tumbukin-Natin |
Is this Vicar of Christ and Vicarius Filii Dei ay iisa lamang na kahulugan?
Diba, Oo. Isa-isahin natin. Sabi sa Wikipedia ang Vicar or Vicarius ay isang latin na salitang ang ibig sabihin ay Kahalili. Christ is a Son of God. On the other hand, these two title are almost have the same meaning. Ibig sabihin inamin niya rin na ang tawag sa Bishop of Rome is Vicarius Filii Dei. Pero magkagayon hindi pa rin ito encrypted sa papal tiara (crown).
But also the point is huwag tayong aangkin ng titulong hindi ipinatong sa atin. Ika nga sabi ng ating panginoong Hesus sa Mateo 23:12 "Ang nagmamataas ay ibababa, at ang nagpapakumbaba ay itataas.”
Magkagayon, Naway magbigay daan ito upang ating maunawaan ang mga bagay-bagay na nakakapagpabagabag sa ating isipan. Nawa ay gabayan tayo ng panginoong Hesus sa mga bagay na ito.
Comments
Post a Comment
Leave your comment and additional information..