Ano ba ang sabi ng Bibliya tungkol sa Divorce?
Ang kultura at paniniwala ng isang komunidad ang ating pinagbabasihan sa pagbuo ng isang panukalang batas. Ang batas na ito ay siyang magiging pundasyon, haligi at bigkis ng isang pamayanan ngunit kung ang isang batas ay labag sa ating kultura at paniniwala maaring maging sanhi ito ng isang panibagong suliranin sa ating bansa.
Ano nga ba ang sabi ng Bibliya tunkol sa Divorce? Ito ang sagot ni Hesus sa tanong ng mga Pariseo.
Marcos 10:2-9
“Naaayon po ba sa Kautusan na palayasin at hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa?”
Sumagot siya, “Ano ba ang utos ni Moises sa inyo?”
Sumagot naman sila, “Ipinahintulot po ni Moises na ang lalaki ay gumawa ng kasulatan ng paghihiwalay bago niya palayasin at hiwalayan ang kanyang asawa.”
Ngunit sinabi ni Jesus, “Ginawa ni Moises ang utos na iyon dahil sa katigasan ng inyong ulo. Subalit simula pa nang likhain ng Diyos ang sanlibutan, nilalang na niya ang tao na lalaki at babae. ‘Dahil dito'y iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina, magsasama sila ng kanyang asawa at ang dalawa'y magiging isa.’ Hindi na sila dalawa kundi isa. Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng sinuman.”
Ito ang sabi ng paginoong Hesus sa divorce na walang sinumang makapaghihiwalay sa pinagsama ng Diyos na siya namang gustong labagin sa isinusulong na Absolute Divorce Bill ni Sen. Risa Hontiveros.
Panayam kay: Sen. Risa Hontiveros sa Unang Balita, GMA network segment Anchored by Rhea Santos and Arnold Clavio |
Sinabi ni Sen. Hontiveros sa Unang Balita GMA segment na ito'y upang mapabilis at mapamura ang pagpapawalang bisa ng kasal.
Ngunit kung mangyayari ito maaring magkasala naman tayo sa Diyos. Magiging marumi tayo sa mata ng Diyos dahil ito ay isang Mortal Sin. Actually, marapat lamang na mahirap ang annulment process kasi gumawa sila ng kasalanan. Kasalanang hindi lamang sa kaniyang kinakasama kundi panti na rin sa Diyos na kanilang sinumpaan. Kapag mura at madali ang legal divorce marami ang maaring matuksong maghiwalay kung magkagayon at lalong dadami ang taong mangangalunya.
Sa interview kay CIBAC Partylist Representative Eddie Villanueva sa SONA/GMA NEWS segment sinabi niya that legal divorce is a direct assault against God. Eh tayo na lamang daw ang Christian nation na hindi pa nagtataksil sa Diyos pagdating sa divorce.
Taman naman! Hahayaan ba natin ang maling pasya sa paglutas sa suliranin ng isang pamilya. Nawa'y huwag hayaan ng ating Panginoon na mangyari ito sa ating bansa.
Comments
Post a Comment
Leave your comment and additional information..