Paano malalaman kung lalaki o babae ang kalapati?

Ang kalapati (Pigeon) ay isa sa pinakamagandang ibong pwede nating alagaan. Ginagamit natin ito bilang isang simbolismo sa pag-iisang dibdib, ginagawa nating Racing Pigeon, o kaya'y pet lamang. Mayroon itong iba't ibang kulay.
Photo by Mali Maeder of Pexels
Isa sa mga katanungang pumapasok sa isipan ng gustong mag-alaga nito ay kung "Paano malalaman kung ang kalapati ay lalaki o babae?" Paano nga ba?
May dalawang paraan para malaman mo ang kasarian ng isang kalapati (Pigeon).
 
Ang paggalaw ng buntot ng kalapati
Ito ang sabi ng isang beteranong pigeon breeder na si Leahrd Dadiz sa isang episode ng Tapatan ni Tunying hosted by Anthony Taberna, Kapag hinawakan mo ang kalapati at gumalaw paitaas ang buntot nito ito ay babae. Paano? Hawakan mo ang kalapati paharap sa iyo at antayin mong ito'y magstable ng saglit at pagkatapos gagalaw ang buntot nito paitaas. Samakatuwid, kapag hindi gumalaw  ito ay lalaki.
Pinapakita ni Learhrd Dadiz kung paano malalaman kung babae ang isang kalapati, Tapatan ni Tunying/ABS-CBN

Ang paggalaw ng ulo ng kalapati
Hawakan mo ang kalapati sa katawan nito para hindi pumiglas. Gamit ang isa mong kamay hawakan mo ang tuka nito at hatakin paunahan. Kapag ito ay pumisik ibig sabihin nito siya ay lalaki. Samakatuwid, kapag hindi pumisik ito ay babae.

Comments

  1. Mabilis mo namn malalamn kung babae ba or lalaki ang isang kalapit, amy iba kapag maliit ang sungo ay babae pag malaki namn ay lalaki.
    Yan lang sana makatulong.

    ReplyDelete
  2. dist kalapati is flying

    ReplyDelete

Post a Comment

Leave your comment and additional information..

TOP POSTS

Sloan and SPayLater Users Review and Guide

Blockchain-Based Voting: The Solution to the Philippines' Electoral Woes

2 Ways to Cash Out Spaylater Credit Limit

How to Increase your Maya Easy Credit Limits?

New Species of Ginger discovered in Mindanao

Personal Loan in Mabilis Cash | FinTech Review

How to recover your Coins.ph account if you have lost access to your 2FA?