Posts

Showing posts from September, 2019

Paano gumawa ng sariling Egg Incubator?

Image
A ng egg incubator ay isang paraan sa pagpapapisa ng itlog gamit ang natural na init ng incandescent bulb. May mga iba’t ibang uri ng egg incubator. Mayroong gawa sa karton, styrofoam, plastic container, bakal, at flywoods. Sa article na ito ibabahagi ko sa inyo kung paano gumawa ng mini homemade egg incubator gamit ang styrofoam.  Sa paggawa ng egg incubator kailangan natin ng styrofoam, small monitoring glass (optional), small cup, sponge, water, amazon screen, wire, incandescent bulb, thermostat, at eggs. Ito ay ang pasunod-sunod kung paano gumawa ng egg incubator:  1. Gumawa ng tatlong maliliit na butas sa gilid ng Styrofoam. Dapat ito ay nasa gitna at maaring kasing laki lamang ng iyong hinliliit. Gumawa ulit ng isang malaking butas sa taas/takip ng Styrofoam. Ang malaking butas ay kailangan may takip. Ang mga butas na ito ay magsisilbing daanan ng hangin papasok at palabas ng incubator. Ang malaking butas ay may dalawang gamit; una, kapag mabilis tumaas ang temperatu