Paano gumawa ng sariling Egg Incubator?


Ang egg incubator ay isang paraan sa pagpapapisa ng itlog gamit ang natural na init ng incandescent bulb. May mga iba’t ibang uri ng egg incubator. Mayroong gawa sa karton, styrofoam, plastic container, bakal, at flywoods. Sa article na ito ibabahagi ko sa inyo kung paano gumawa ng mini homemade egg incubator gamit ang styrofoam. 

Sa paggawa ng egg incubator kailangan natin ng styrofoam, small monitoring glass (optional), small cup, sponge, water, amazon screen, wire, incandescent bulb, thermostat, at eggs.


Ito ay ang pasunod-sunod kung paano gumawa ng egg incubator: 

1. Gumawa ng tatlong maliliit na butas sa gilid ng Styrofoam. Dapat ito ay nasa gitna at maaring kasing laki lamang ng iyong hinliliit. Gumawa ulit ng isang malaking butas sa taas/takip ng Styrofoam. Ang malaking butas ay kailangan may takip. Ang mga butas na ito ay magsisilbing daanan ng hangin papasok at palabas ng incubator. Ang malaking butas ay may dalawang gamit; una, kapag mabilis tumaas ang temperature sa loob maaari mo itong buksan at kung mabagal uminit pwede mo rin itong takipan, at pangalawa, maaari rin itong magsilbing candling hole para ma-monitor kung may pagbabago ba sa itlog. 

2. Gumawa ng lagayan ng monitoring glass sa gilid o sa taas ng iyong incubator. Ito ay para ma-monitor ang loob ng incubator. 


3. Kumuha ng amazon screen na pansahig sa loob ng incubator. Mas mabuting i-elevate ito gamit ang mga kapirasong kahoy. Kung walang amazon screen pwede din gumamit ng rice hull bilang sahig ng itlog. Ang elevated na screen ay makakatulong upang mabigyan ng init ang lahat nang bahagi ng itlog. 

4. Ilagay sa ilalim ng elevated screen ang cup na mayroong tubig at sponge(optional). Dapat ay lagyan ulit ito ng tubig kapag naubos. Makakatulong ito para mapanatili ang good humidity sa loob ng incubator. 
 
5. Ito ay optional. Gagamit lamang ng division kapag nasa gilid ang ilaw. Gumupit ng kapirasong amazon screen at lagyan ng division ang bahagi ng bulb at lalagyan ng itlog. Makakatulong ito upang hindi makalapit ang bagong pisang sisiw sa mainit na ilaw. 

6. Gumawa ng butas na lalagyan ng ilaw. Maaari itong ilagay sa itaas o sa gilid. Dapat kung nasaan ang ilaw ay naroon rin ang lalagyan ng tubig na may sponge. 


7. I-install ang thermostat. Ang wire sa gitna ng thermostat ay siyang nakadugtong sa ilaw at ang nasa gilid ay para naman sa pansaksak. Ang maliit na wire na mayroong metal sa dulo ay siyang heat detector ng thermostat samakatuwid gumawa ng maliit na butas sa itaas para maibitin sa gitna ang heat detector. Paalala huwag ipasok ang thermostat sa loob ng incubator. 

Mga dapat tandaan: 

1. Sa paggawa ng egg incubator dapat nating isa-alaalang ang maayos na wiring o ang pagkakabit-kabit ng mga wire upang maiwasan ang maaring pagkasunog. Marapat na magtanong sa mas nakakaalam. 

2. Dapat din na ugaliing magbasa ng mga instructional materials sa iyong mga pinamiling gamit para sa pag-gawa nito. 


3. Gumamit ng sariwang itlog na hindi galing sa palengke. Mas mabuting kumuha ng itlog sa iyong sariling inahing manok. Kung walang thermostat pwede ding gumamit ng digital room thermometer with humidity, gaya ng nakikita mong room thermometer sa loob ng sikat na mga botika. 

4. Bago ilagay ang mga itlog i-check muna ang thermostat kung gumagana ito. Kung ito ay maayos na na-install, lagyan nang marka ang itlog bilang tanda bago ilagay sa loob ng egg incubator. Ang marka ay tanda kung alin pa ang hindi na-iikot. 

5. Tatlong beses iikot ang itlog sa isang araw sa loob ng 18 araw. Sa mga natitirang araw bago pumisa iikot lamang ito ng isang beses sa isang araw. Paalala, huwag nang ipa-ikot ang itlog sa ika-21 araw nito. May pagkakataong maaaring mag-extend ng dalawang araw bago mapisa ang ilan sa mga itlog. 

6. Huwag agad alisin ang bagong labas na sisiw sa loob ng incubator hanggang 2 araw. 

7. Sa huling dalawang araw pagkatapos lumabas ng mga sisiw lagyan ng mabigat na bagay ang takip ng iyong egg incubator upang hindi mapasok ng predator.

Para lubos na maunawaan panoorin ang video nito dito.

Comments

  1. Wow amazing...it was a great to learn this.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes you can make incubator in your home by just follow the steps.

      Delete
  2. Very informative learnings and interesting I will make it my own business and thank you for sharing your knowledge

    ReplyDelete

Post a Comment

Leave your comment and additional information..

TOP POSTS

Tamang sukat sa kulungan ng manok (broiler at layer)

Cashmum Lending App Review | The things you need to know!

5 kahalagahan sa pagtatangkilik ng organikong pagtatanim at pag-aalaga ng hayop

From Bitcoin to Digital Ledger Technology: Transforming Financial Systems of the Philippines

Personal Loan in Mabilis Cash | FinTech Review

New Species of Ginger discovered in Mindanao

PBBM encourages Farmers and fishermen to enroll in Department of Agriculture's insurance program