Makipot ang daan patungo sa kaharian ng Diyos

Naitanong mo ba sa iyong sarili kung lahat ng tao ay maliligtas? Lahat ba na gumagawa ng mabuti ay maliligtas?

Ang mga katanungan ito ay hindi kayang sagutin nino man. Walang sino man sa atin ang nakakaalam sa mga maaring mangyari at sa darating. Kaya wala tayong karapatang humusga sa bawat isa at sa bawat mananampalataya. Ngunit ang Panginoong Hesus ay nagpaalala sa atin na makipot ang daan patungo sa kaharian ng Diyos. Ito ang sagot ng Panginoon sa nagtanong sa Kaniya ng ganito, “Ginoo, kakaunti po ba ang maliligtas? Sinabi Niya sa kanila,

Lucas 13:24 “Pagsikapan ninyong makapasok sa makipot na pintuan.”

Bakit makipot ang pintuan patungo sa Langit at maluwang naman ang papunta sa kapahamakan? (Mateo 7:13-14)

Sa panahon natin ngayon marami na ang lumalaganap na mga bagay na ginagamit ng diyablo bilang instrumento sa panunukso sa mga mahihina ang pananampalataya at sa mga walang pananampalataya sa Diyos. Ang mga ito ay ginagamit ng kaaway upang ilayo tayo sa gawaing mabuti. Tandaan ninyo ang lahat na makamundong bagay ang ginagamit ni satanas upang tayo ay maakit niya na gumawa ng masama. Ang mga bagay na ito ay madalas nating gamitin sa pang-araw-araw sa buhay gaya ng mga sumusunod: Salapi, Internet, e-games, mga malalaswang babasahin, entertainment books, at marami pang iba.

Ang ilan sa mga nabangit ay may mga magagandang gamit at mga pangunahing kailangan ng tao datapwat ang paghangad ng labis o ang paggamit nito ng sobra ay maaring magsanhi ng kasalanan. Dito kumikilos ang kaaway upang samantalahin ang kahinaan natin sa mga makamundong bagay ng sa gayon ay maakit tayo na gumawa ng labag sa kagustuhan ng Diyos. Alam natin na ang salapi ay may napakahalagang gamit sa ating lipunan. Ito ay ginagamit na pangpalit sa araw-araw na pangangailangan ngunit ang paghangad ng malaki at labis ay masama na maaring humantong sa pagkakasala. 

Iwasan natin ang bagay na maaaring magudyok sa atin sa paggawa ng kasamaan. Ang naghahangad ng kayamanan sa lupa ay kailanman hindi makakatanggap ng kayamanan at parangal sa Langit. 

Sa Lucas 18:18 mayroon isang pinuno ng bayan na nagtanong kay Hesus, “Mabuting Guro, Ano po ba ang dapat kung gawin upang makamtan ko ang buhay na walang hanggan?” Sa talatang Lucas 18:20 binanggit ng Panginoong Hesus ang utos ng Diyos. Ang sabi ng lalaki na pinuno ng bayan sa Lucas 18:21, “Ang lahat pong iyan ay tinupad ko na mula pa sa pagkabata.” Sagot ng Panginoon sa Lucas 18:22, “Isang bagay pa ang kulang sa iyo. Ipagbili mo ang lahat ng iyong ari-arian at ipamahagi ang pinagbilhan sa mga dukha at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit.

Noon pa pala ay pinapaalalahanan na tayo ng panginoon kung paano makapunta sa langit at makatanggap ng kayamanang panglangit. Mahirap para sa mga mayayaman ang bitawan ang mga bagay na ito.

Kaya sinabi ng Panginoon “Napakahirap para sa mga mayayaman ang makapasok sa kaharian ng Diyos. Mas madali pang makaraan sa butas ng karayom ang isang kamelyo kaysa makapasok sa kaharian ng Diyos ang isang mayaman.”

Ang mensahe ng Diyos sa atin ay huwag tayong maghangad ng labis sa kaniyang ibinigay; huwag na tayong mag-ipon ng kayamanan sa lupa at pagsikapan na lamang nating lumikom ng mga mabubuting gawa; huwag na tayong gumawa ng masama at magpakataas bagkus pagsikapan natin na gumawa ayon sa kalooban ng Diyos upang tayo ay makapasok sa kaharian ng Langit. 

Sumunod at sumampalataya tayo sa Panginoong Hesus upang ating mabayaran ang ating mga kasalanang nagawa simula pa ng pagkabata. 

Lucas 18:17 “Tandaan ninyo: ang sinumang hindi tumanggap sa kaharian ng Diyos gaya ng pagtanggap ng isang bata ay hindi makakapasok doon.”

Ang tao ay likas na mapaghangad ng mga bagay sa lupa. Nahihirapan tayong bitawan ang kung anong mayroon tayong bagay na panglupa. Kaya nga’t napakakipot ng daan patungo sa kaharian ng Diyos.

Comments

TOP POSTS

Sloan and SPayLater Users Review and Guide

Blockchain-Based Voting: The Solution to the Philippines' Electoral Woes

2 Ways to Cash Out Spaylater Credit Limit

How to Increase your Maya Easy Credit Limits?

New Species of Ginger discovered in Mindanao

Personal Loan in Mabilis Cash | FinTech Review

How to recover your Coins.ph account if you have lost access to your 2FA?