Mga dapat tandaan sa wastong pagpili ng inahing manok (Broodhen)

Ang pag-aalaga ng hayop ay marapat mayroong kaakibat na sipag at tiyaga para maging maayos at produktibo ang isang farm. Ang pagpapanatili ng magandang produksyon sa iyong paghahayupan ay hindi lamang dapat nakabatay sa kung ano ang nakasanayang gawin sa loob ng bakuran ng iyong farm. Mas maiging kumuha o mag-adapt din tayo ng  mga kaalamang galing sa ibang farms, professionals, instructors at mga dalubhasa sa paghahayupan.

Sa article na ito ibabahagi ko sa inyo ang mga dapat tandaan sa wastong pagpili ng inahing manok na maaring makatulong sa pagpaparami ng iyong produksyon. Ito ay ilan lamang sa mga natutuhan ko sa isang free seminar organized by ATI (Agricultural Training Institute) Bicol titled with "Native Chicken Production". Ika nga "Sharing is Caring". Mas mabuting malaman natin ito ng sa gayon ay maiwasan natin ang massive losses of our production. Alam naman natin na with the good broodhen maaari tayong magkaroon ng maraming produce of chicks with its good characteristic as what we chosen. Chick is most critical stage of chicken. Kailangan natin ng maayos na pag-aalaga dahil sa mabilis silang dapuan ng sakit. Kung pipili tayo ng magandang inahing manok at alam natin kung paano sila tulungang alagaan maaring maging maayos at mabilis ang ating produksyon. Maiiwasan natin ang bahagdang pagkasayang ng mga posibling karagdagang sisiw sa ating farm.

Mga dapat tandaan sa pagpili ng wastong inahing manok (Broodhen):


Good mothering ability 
Ay ang napakahalagang abilidad ng isang inahing manok na kung saan may kakayahan siyang maghanap ng pagkain at mag-alaga ng kaniyang mga sisiw, ito ay malalaman mo sa pamamagitan ng pagsubaybay sa iyong mga inahin. Ito yong inahing hindi kumakain ng sariling itlog o itlog ng iba.


May malakas na resistensya
Lahat ng mga hayop kailangan ay mayroong sapat at malakas na resistensya upang malayo sila sa malalang sakit na maaring magdulot ng malaking problema sa iyong farm. Sabi umano, ang manok na may dilaw na balat at binti ay sinasabing mayroong mas mataas na resistensya sa sakit. Kapag ang inahing manok ay may malakas na resitensya maaring makuha ng kaniyang mga sisiw ang abilidad na ito. At kung magkagayon marahan o maiiwasan ang madalas na pagkamatay ng iyong mga sisiw dulot ng mga bad microorganism sa iyong kapaligiran. Ngunit good management is a key for keeping your chicks safe.


Egg per clutch
Ito ay ang abilidad ng inahing manok na kung saan iipunin muna ang kaniyang mga itlog bago limliman. Ang inahing manok na naglilimlim na hindi pa ito tapos mangitlog ay hindi magandang inahin. Maaari kasing hindi na limliman ang mga itlog  na hindi kasabay pumisa sa mga itlog na naunang limliman.

Egg hatching percentage
Ito ay bilang o bahagdan ng itlog na pumisa sa dami nang initlog ng inahin. Kung maganda lumimlim ang manok maaring marami ang itlog na mapipisa sa loob ng 21 araw ng kaniyang paglilimlim. Ang inahing naglilimlim ay kumakain lamang ng saglit at bumabalik agad sa kaniyang pugad. Dapat ay 80% - 100% ang pumisa sa mga itlog na nilabas ng inahing manok.


Weaning percentage
Marapat din na 80% - 100% ang sisiw na maiwawalay pagkatapos ng apat na linggong pamamalagi ng mga sisiw sa inahing manok. Ang tamang pagwalay ng sisiw ay 4 linggo (30 days) hanggang 10 linggo (75 days).


Body Conformation
Ang magandang pangangatawan ng inahing manok ay nagpapakita ng magandang kakayahan nito sa paglilimlim at pagtanggap nito sa tandang. Ang inahing manok dapat ay mayroong 20-25 cm haba ng likod na kung saan ay may kakayahang maglimlim ng 10-12 na itlog.

Mga dapat tandaan:

1. Ilagay sa madilim na lugar ang pugad ng inahing manok.
2. Ang inahing manok ay nag-uumpisa mangitlog sa edad na 5 1/2 - 6 month.
3. Bigyan ng tamang patuka upang makatulong sa kaniyang pangingitlog. (Marapat na magtanong sa nakakaalam sa iyong pinagbibilhan ng patuka)

Comments

  1. Salamat Po Sa mga idea na inyong ipalinamaahagi Sa Amin.Marami Po kaming matutunan didto Sa website nyo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat din po. Patuloy po kaming magbabahagi ng kaalaman. Hope you will visit our website again soon.

      Delete
  2. Nagkaroon na ako ng kaalaman tungkol sa mga ganto,maraming salamat Po. I've learned na Hindi Basta Basta Ang pagalaga ng ganto Lalo na kung ito ay Susie pa

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat po sa sa pagbigay ng oras at sana nakatulong ito sa iyo. ❤️

      Delete
  3. I've learned a lot Po,thank you sa mga impormasyon

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat din po. Sanay patuloy po kayong bumisita sa aming website upang patuloy po kaming makapagbigay kaalaman sa inyo patungkol sa paghahayupan at farming.

      Delete

Post a Comment

Leave your comment and additional information..

TOP POSTS

Tamang sukat sa kulungan ng manok (broiler at layer)

Cashmum Lending App Review | The things you need to know!

5 kahalagahan sa pagtatangkilik ng organikong pagtatanim at pag-aalaga ng hayop

From Bitcoin to Digital Ledger Technology: Transforming Financial Systems of the Philippines

Personal Loan in Mabilis Cash | FinTech Review

New Species of Ginger discovered in Mindanao

PBBM encourages Farmers and fishermen to enroll in Department of Agriculture's insurance program