Posts

Showing posts from May 15, 2019

Paano malalaman kung babae o lalaki ang papaya

Image
A ng papaya (Carica papaya linn.) ay isang prutas na berde kung hilaw at dilaw naman kapag hinog. Ang laman nito ay kulay orange o kaya naman ay orange-red. Ito ay nabubuhay sa kahit anong uri ng lupa pero mas maganda kung ito ay nakatanim sa loam soil o kaya’y clay-loam soil na may maayos na patubig. Sa pagpatubo ng mga buto, ugaliing gumamit ng seed bed para masiguro kung ang papaya na itatanim mo sa iyong taniman ay namumunga o hindi. Ito ang palaging problema ng mga mahilig magtanim sa kanilang bakuran o sa kanilang bukid. Paano nga ba natin malalaman kung ang papaya ay namumunga o hindi? May dalawang uri tayo ng papaya, ito yong sinasabi natin na lalaki o hindi namumunga at babae naman ang papayang namumuga. Sa dalawang papaya seedlings alin sa kanila ang lalaki o babae? Mas mabuting malaman natin ang simpling kaalaman na ito upang mas mapabuti at mabawasan natin ang oras na masasayang natin sa pagtatanim ng papayang hindi naman pala namumunga ng mabuti o totally na hi