Paano malalaman kung lalaki o babae ang kalapati?
A ng kalapati (Pigeon) ay isa sa pinakamagandang ibong pwede nating alagaan. Ginagamit natin ito bilang isang simbolismo sa pag-iisang dibdib, ginagawa nating Racing Pigeon, o kaya'y pet lamang. Mayroon itong iba't ibang kulay. Photo by Mali Maeder of Pexels Isa sa mga katanungang pumapasok sa isipan ng gustong mag-alaga nito ay kung "Paano malalaman kung ang kalapati ay lalaki o babae?" Paano nga ba? May dalawang paraan para malaman mo ang kasarian ng isang kalapati (Pigeon). Ang paggalaw ng buntot ng kalapati Ito ang sabi ng isang beteranong pigeon breeder na si Leahrd Dadiz sa isang episode ng Tapatan ni Tunying hosted by Anthony Taberna, Kapag hinawakan mo ang kalapati at gumalaw paitaas ang buntot nito ito ay babae. Paano? Hawakan mo ang kalapati paharap sa iyo at antayin mong ito'y magstable ng saglit at pagkatapos gagalaw ang buntot nito paitaas. Samakatuwid, kapag hindi gumalaw ito ay lalaki. Pinapakita ni Learhrd Dadiz kung