Bunga ng saging (Musa spp.) lumabas sa katawan nito! | Posible ba?

Mas madalas tayong makarinig ng isang kwentong saging na namunga sa putol na puno nito ngunit ang kwentong ibabahagi naming ito ay kakaiba. Isang nakamamanghang karanasan ang ibinahagi sa atin ni Danilo Pillogo na  taga-Lagonoy, Camarines sur, mayroon diumano sa kanilang saging na namunga sa loob ng katawan nito.
Photo by Danilo Pillogo

Nakamamangha naman talagang pakinggan ang ganitong mga pangyayare. Ayon kay Danilo mayroon raw umanong narinig ang kaniyang ante sa likod bahay nang may biglang pumutok ng malakas at ayon na nga ang kanilang nakita, ang mga bunga ng saging sa wasak na Matawan nito. Dagdag pa niya ang mga bunga ng saging ay halatang matagal na at ready to harvest dahil ang ilan sa mga bunga nito ay biyak na.


Ang katawan ng halamang ito ay tinatawag na pseudostem at sa gitna nito simula  rhizome mayroong tinatawag na apical meristem - dito nagsisimula ang dahon at bulaklak ng saging bago lubas sa aerial na bahagi nito. Maaaring sa pagkakataon na ito maagang na-mature at namulaklak ang saging sa gitnang bahagi kaya nabuo ng maaga ang mga bunga sa katawan nito. Ang saging ay hindi kailangan ng pollinator upang mamunga dahil ang bulaklak ng saging ay mayroong dalawang bahagi; ang Female bud na unang bumubuka at nagiging bunga at ang Male bud naman na nasa dulo ng bulaklak. Kaya maaring mabuo ang bunga sa loob kahit hindi dapuan ng ano man na insect pollinators. 

Ikaw ano sa palagay mo? Mayroong ka bang ibang kaalaman tungkol dito bahagi mo naman ka-farmers gamit ang comment section sa ibaba.

Comments

TOP POSTS

List of BSP Licensed Digital Bank in the Philippines

From Bitcoin to Digital Ledger Technology: Transforming Financial Systems of the Philippines

Landbank offer new emergency loan to all Government Employees, Pensioners

How to Increase your Maya Easy Credit Limits?

Cashmum Lending App Review | The things you need to know!

Personal Loan in Mabilis Cash | FinTech Review

The Philippines Central Bank will launch its own Digital Currency by 2029