Bagong Pag-asa

BY GRACE ANN BUELA | THE AUTHOR


BAGONG PAG-ASA
Isinulat ni Grace Ann Buela

Sa kalagitnaan ng ulan at bagyo
Dumating kang dala ang panyo
Pinunasan ang mga matang namumugto
Muling binuo ang wasak na puso.

Pinayungan mo ako ng iyong pag-ibig
Hinatid patungo sa bagong pag-ibig
Di ka nawala sa gabing madilim
At sa tuwing maulan, ikaw ang siyang lilim.

Sumikat na ang araw
Kinabukasan ay aking natatanaw
Malayo sa anino ng nakaraan
Malayo sa sakit at kalungkutan
Handa na ako sa bagong ngayon
Ang makasama ka sa lahat ng hamon.

Di man magiging madali
Ang mga araw at tanghali
Pilit akong lalaban
Pagkat ikaw Hesus ang aking tanggulan
Simula ngayon at magpakailanman.

Comments

TOP POSTS

List of BSP Licensed Digital Bank in the Philippines

From Bitcoin to Digital Ledger Technology: Transforming Financial Systems of the Philippines

Landbank offer new emergency loan to all Government Employees, Pensioners

How to Increase your Maya Easy Credit Limits?

Cashmum Lending App Review | The things you need to know!

Personal Loan in Mabilis Cash | FinTech Review

The Philippines Central Bank will launch its own Digital Currency by 2029