Bunga ng saging (Musa spp.) lumabas sa katawan nito! | Posible ba?
M as madalas tayong makarinig ng isang kwentong saging na namunga sa putol na puno nito ngunit ang kwentong ibabahagi naming ito ay kakaiba. Isang nakamamanghang karanasan ang ibinahagi sa atin ni Danilo Pillogo na taga-Lagonoy, Camarines sur, mayroon diumano sa kanilang saging na namunga sa loob ng katawan nito. Photo by Danilo Pillogo Nakamamangha naman talagang pakinggan ang ganitong mga pangyayare. Ayon kay Danilo mayroon raw umanong narinig ang kaniyang ante sa likod bahay nang may biglang pumutok ng malakas at ayon na nga ang kanilang nakita, ang mga bunga ng saging sa wasak na Matawan nito. Dagdag pa niya ang mga bunga ng saging ay halatang matagal na at ready to harvest dahil ang ilan sa mga bunga nito ay biyak na. Ang katawan ng halamang ito ay tinatawag na pseudostem at sa gitna nito simula rhizome mayroong tinatawag na apical meristem - dito nagsisimula ang dahon at bulaklak ng saging bago lubas sa aerial na bahagi nito. Maaaring sa pagkakataon na ito maaga