Tamang pag-apply ng abono sa halaman
Ang paglalagay ng abono ay isa sa napakabisang paraan upang maparami ang bunga ng ating tanim. Maliban sa maayos na pagaalaga sa tanim kailangan nating malaman kung kailan ang tamang oras at ano ang tamang sukat ng abono na ilalagay natin sa halaman. Ang mga sukat na ito ay lubos na epektibo at napatunayan na ng ilang mga nagtatanim ng Gulay.
Talaan ng Nilalaman
I. Tatlong mabisang paraan sa pag-apply ng abono sa Halaman
II. Tamang paglalagay ng Abono sa halaman
III. Mga dapat tandaan sa paglalagay ng abono sa halaman
I. Tatlong mabisang paraan sa pag-apply ng abono sa Halaman
II. Tamang paglalagay ng Abono sa halaman
III. Mga dapat tandaan sa paglalagay ng abono sa halaman
Kailan ba talaga dapat tayo maglalagay ng Fertilizer at ano bang Fertilizer ang dapat nating ilagay. May dalawang method o paraan ang mga magsasaka sa paglalagay ng abono.
(3) Tatlong mabisang paraan sa pag-apply ng abono sa Halaman:
1. DRENCHING - ang pinakamadalas gamitin ng mga magsasaka sa paglalagay ng abono. Ito ang mas madaling paraan sa paglalagay ng abono na hindi ngangailangan ng maraming oras. Ito ang paraan ng paglalagay ng abono sa paraang pagdidilig nito sa lupa ng tanim kung saan ito nakatanim.
2. SIDE DRESSING - ang paraan na ito ng paglalagay nang abono sa ating halaman ay mas sinasabing epektibo dahil ang butil ng abono ay siyang mismong ilalagay sa katabi ng ating tanim sa tamang layo nito sa kanyang ugat.
3. BASAL APPLICATION - ang paglalagay ng abono sa ilalim ng punla. Ito ay isinasagawa habang naglilipat ng tanim. Kailangang may lalim na 2 inches na layo sa ugat ng iyong tanim.
Ang nasabing tatlong paraan ng pag-apply ng abono na ito ay maaring ipagsabay sa tamang linggo simula ng paglipat ng inyong punla sa lupa. Maari din na magkahiwalay na method ang gamitin mo sa kung ano ang sa tingin mo ay mas nakakabuti sa iyong tanim na gulay.
Bago natin ilipat ang ating punla (seedlings) sa iyong garden o halamanan may mga paraan sa pag-abono ng lupa na mas nakakatulong sa paglaki ng ating halaman.
Tamang paglalagay ng Abono sa halaman:
1. Ang paglagay ng organikong pataba sa ating lupa habang binubungkal ang lupa. Mas mabuting isang linggo bago natin ilipat ang punla ay maihanda natin ang lupa at maipakain natin ng organic materials ang mga microorganisms sa ating lupa.
2. Pagkatapos mailipat ang punla sa ating lupang taniman. Lagyan ng Complete Fertilizer (14-14-14) ang iyong tanim sa layong isang dangkal o 2cm - 3cm na mayroong lalim na 1 inch. Mas mabuting basa ang lupa upang mabilis na matunaw ang abono at mabilis masipsip ng halaman. Pwede din gawing Basal Application ang Complete Fertilizer bago ilagay ang iyong punla.
3. Sa unang Isang linggo at sa pangalawang linggo simula sa pagkalipat ng halaman sa lupa bigyan ito ng Calcium Nitrate( 46-0-0) o mas kilala sa tawag na Urea. Makakatulong ito sa magandang pagsibol ng iyong halaman. Gawin ito gamit ang Drenching method na may sukat na 150grams kada 16 liters ng Tubig.
4. Sa ika (3) tatlo hanggang (6) anim na linggo bigyan ang iyong tanim ng 75grams Complete Fertilizer (14-14-14) at 75grams na Urea (46-0-0). Diligan ang ugat ng halaman gamit ang abonong ito na tinunaw sa 16 liters ng tubig.
5. Sa mga huling linggo nito bigyan ang iyong tanim ng (14-14-14) Complete Fertilizer sa parehong sukat.
Mga dapat tandaan sa paglalagay ng abono sa halaman:
1. Isa alang-alang ang tamang layo ng paglalagay ng abono sa iyong halaman upang maiwasan ang pagkamatay nito.
2. Kapag nalagyan ng abono ang dahon ng iyong halaman agarang hugasan ito ng tubig upang hindi matuyo.
3. Sa pagtunaw ng abono sa tubig ugaliing tunawin muna sa kunting tubig ang abono bago lagyan ng maraming tubig para mas mabilis na matunaw ang mga ito.
4. Kapag naglalagay ng abono gamit ang drenching method mas mabuting basa ang lupa upang mas mabilis na masipsip ng halaman ang abonong nilagay mo.
5. Mas mabuting mag abono ng hapon upang maiwasan ang Fertilizer precipitation. Sa oras din na ito ay mababawasan ang stress sa halaman na maaring dulot ng iyong paglagay ng abono.
Hindi lahat ng tanim ay naaayon sa mga nasabing paraan ng paglalagay ng abono. Kung gusto mong malaman kung paano ang saktong pagkuha sa tamang sukat ng abonong iyong ilalagay, basahin dito.
Comments
Post a Comment
Leave your comment and additional information..