Paraan upang mabilis tumaas ang iyong Gscore sa Gcash

Screenshot of GCredit dashboard
Kung isa ka sa laging gumagamit ng Gcash ngunit hindi pa rin tumataas ang iyong Gscore marahil ito na ang pagkakataon upang mabuksan mo na ang tatlong Barrow features ni Gcash. Ito ang madalas tanong ng karamihan na gusto mag-avail ng GLoan, GCredit at GGives, Paano nga ba mas mapabilis ang pagtaas ng GScore sa GCash?

Ang GScore ay isa sa sukatan ng mga Financing Agencies ng GLoan, GCredit at GGives na nasa Barrow section ng Gcash App. Upang lubos na mahikayat ang isang Gcash App Users, pinapakita nito kung ilang puntos pa ang kailangan pagsikapang trabahuhin ng isang Gcash User upang makapag-avail ng Loan. Malamang sa malamang kaya ka napunta sa artikulong ito ay dahil kailangan mong mapataas ang GScore mo. Basahin ito hanggang dulo dahil dito mo malalaman ang lahat nang paraan kung paano mo mapataas ang GScore mo.

Talaan ng Nilalaman
I. Mga Dapat Gawin Upang Mapataas ang GScore.
II. Ilang GScore nga ba ang Kailangan Upang ma-active ang GLoan, GCredit at GGives?
III. Mga Epektibong Paraan Upang Mas Mapabilis ang Pagtaas ng Iyong GScore sa GCash.


Screenshot of GCredit dashboard highlighted the GScore
Mga Dapat Gawin Upang Mapataas ang GScore
Ayon sa Gcash upang mapataas mo ang iyong GScore kailangang sundin ang mga sumusunod;
A. Panatilihin laging may laman ng pera ang Gcash wallet.
B. Gamitin ang Gcash sa lahat ng panahon; sa pagbayad ng bills, pambili ng load, pagiimpok ng pera, pag-invest at pagbili ng Insurance.
C. Magbayad ng utang sa tamang oras.

Ang tatlong alituntunin na ito ay mga bagay na magpapataas at magpapababa ng iyong GScore. Kung sa kasalukuyan ay mayroon kang mababang GScore, ibig sabihin ay may bagay kang hindi pa nagagawa.

Ilang GScore nga ba ang Kailangan Upang ma-active ang GLoan, GCredit at GGives? 
Maaring bigyan ka ng offer ng alin man sa financing agency kahit hindi pa umabot sa 500 ang GScore mo. Ang financing agency ay hindi lamang tumitingin sa GScore mo, ito ay bumabase rin sa ibang resources tungkol sa iyo galing sa ibang third-parties. Tinitingnan din nila ang iyong records sa Credit Information Corporation, Telecommunication Company at iba pang Lending companies. Paalala lamang ang lahat nang ito ay isang analysis lamang at walang tamang batayan bagkus ang iyong lingkod ay walang koneksyon sa ano mang kompanya. Ito ay batay lamang sa aking karanasan at kung paano ko napagtagumpayang ma-activate ang Barrow features ni GCash. Ang Fuse Lending Inc. ay nag-offer ng GLoan sa aking Account kahit na 480 pa lamang ang GScore ko ito ay marahil sa may maganda akong record sa (CIC) Credit Information Corporation, at sa ibang Lending companies. Ngunit hindi naman ibig sabihin na higit 500 na ang iyong GScore ay agad mong mabubuksan ang tatlong produkto ng Barrow features ni Gcash. Masusing pag-aaralan pa ng mga Financing Agencies ang iyong kakayahang makapagbayad ng utang.

Mga Epektibong Paraan Upang Mas Mapabilis ang Pagtaas ng Iyong GScore sa GCash
Base sa karanasan at binahaging karanasan ng ibang GCash Users ito na marahil ang napakagandang paraan sa pagpapataas ng GScore. Kung mapapansin mong madalas din namang may laman ang GCash wallet mo ngunit hindi pa rin umuusad ang GScore mo, siguro ito na ang dapat mong gawin. Panatilihing may laman ang GCash wallet kahit isang daang peso o higit pa; Subukang i-click ang GInsure na offer ng GCash sa tuwing magbabayad ng bills hanggang sa tumaas ang GScore mo at mag-offer sila ng loan sa'yo; at Mag-invest sa Crypto currencies o sa Stocks na offer ng Gcash kahit 50 pesos o higit pa.

Ang mga pagbabayad ng bills sabay sa pag click ng GInsure bago magpatuloy sa pagbayad ay napakabisang paraan sa pagpapataas ng GScore.

Comments

TOP POSTS

Sloan and SPayLater Users Review and Guide

Blockchain-Based Voting: The Solution to the Philippines' Electoral Woes

2 Ways to Cash Out Spaylater Credit Limit

How to Increase your Maya Easy Credit Limits?

New Species of Ginger discovered in Mindanao

Personal Loan in Mabilis Cash | FinTech Review

How to recover your Coins.ph account if you have lost access to your 2FA?