Leaf Color Chart


Talaan ng Nilalaman
I. Ano ang Leaf Color Chart?
II. Bakit kailangang sukatin ang kulay ng dahon?
III. Paano gamitin ang Leaf Color Chart?

Leaf Color Chart ay isa sa proyekto ng International Rice Research Institute (IRRI) para matulungan ang mga magsasakang matukoy ang kakulangan ng antas ng nitrogen sa kanilang palay. Ito ay isang maliit lamang na parehabang plastic na may nakaukit na magkakaibang antas ng kulay berde simula sa hindi katingkadan hanggang sa matingkad na kulay berde na naaayon sa kulay ng dahon ng palay. Sa bawat antas na kulay ay may katumbas na bilang simula (2) dalawa hanggang (5) lima. Ang mga kulay ay gagamiting panukat sa kulay ng dahon ng palay at ang numero ay siyang ililista upang makuha ang average na kulay nito. Ito ay makakatulong upang matukoy kung kailangan natin maglagay ng abono.

Bakit kailangang sukatin ang kulay ng dahon?
Chlorophyll ang siyang dahilan sa pagkakaroon ng kulay berde na dahon. Ito ang naga-absorb ng sunlights upang itago sa dalawang uri ng energy-storing molecules para magamit sa pagproseso ng Carbon dioxide (CO2) at tubig (H2O) upang gawing glucose. Ang Glucose naman ang siyang pangunahing sangkap ng bunga ng isang halaman. Kaya ganito na lamang kahalaga ang pagkakaroon ng magandang kulay ng dahon ng ating palay. Kapag na alagaan nating mabuti ang kalusugan ng dahon bibigyan tayo ng masaganang ani.

Ang Nitrogen ay ang pangunahing sangkap ng Chlorophyll sa dahon ng halaman. Kaya kapag hindi matingkad ang kulay ng dahon ito ay dahil sa kakulangan sa nutrients ng Nitrogen fertilizer.

Paano gamitin ang Leaf Color Chart?
1. Pumili ng sampung palay sa magkakahiwalay na bahagi ng iyong palayan. Dapat ito ay walang ano mang sakit o sintomas ng sakit.
2. Itapat ang dahon sa Leaf Color Chart. Liliman ng iyong katawan habang binabasa kung alin ang kahalintulad na kulay at sukat nito. Sa pagpili ng dahon ng palay dapat ang pinaka talbos na dahong buka ang kuhaan ng sample.
3. Isulat ang katapat na numero sa kahalintulad na kulay ng dahon. Kapag ang kulay ng dahon ay nasa gitna ng 3 at 4, isulat ang 3.5.
4. Kunin ang average ng sampung halaman. Ayon sa IRRI kapag ang kulay ay mataas o mababa sa 3, kailangan itong abonuhan ng Nitrogen sa top dressing na paraan.
"Gawin ang leaf color monitoring gamit ang LCC isang beses sa loob ng 7-10 araw, simulan ito pagkalipas ng 14 araw pagkatapos mailipat ang palay sa lupang taniman. Ipagpatuloy hanggang sa ito ay mamulaklak." - Knowledgebank IRRI

Comments

TOP POSTS

List of BSP Licensed Digital Bank in the Philippines

From Bitcoin to Digital Ledger Technology: Transforming Financial Systems of the Philippines

Landbank offer new emergency loan to all Government Employees, Pensioners

How to Increase your Maya Easy Credit Limits?

Cashmum Lending App Review | The things you need to know!

Personal Loan in Mabilis Cash | FinTech Review

The Philippines Central Bank will launch its own Digital Currency by 2029