Leaf Color Chart
Talaan ng Nilalaman I. Ano ang Leaf Color Chart? II. Bakit kailangang sukatin ang kulay ng dahon? III. Paano gamitin ang Leaf Color Chart? Leaf Color Chart ay isa sa proyekto ng International Rice Research Institute (IRRI) para matulungan ang mga magsasakang matukoy ang kakulangan ng antas ng nitrogen sa kanilang palay. Ito ay isang maliit lamang na parehabang plastic na may nakaukit na magkakaibang antas ng kulay berde simula sa hindi katingkadan hanggang sa matingkad na kulay berde na naaayon sa kulay ng dahon ng palay. Sa bawat antas na kulay ay may katumbas na bilang simula (2) dalawa hanggang (5) lima. Ang mga kulay ay gagamiting panukat sa kulay ng dahon ng palay at ang numero ay siyang ililista upang makuha ang average na kulay nito. Ito ay makakatulong upang matukoy kung kailangan natin maglagay ng abono. Bakit kailangang sukatin ang kulay ng dahon? Chlorophyll ang siyang dahilan sa pagkakaroon ng kulay berde na dahon. Ito ang naga-absorb ng sunlights upang i