10 dapat isaalang-alang para magkaroon ng magandang ani ang tanim
Ang pagsasaka ay lubos na mahalagang hanapbuhay sa panahon ngayon dahil sila ang daan upang lubos na maibsan ng mga Pilipino ang mataas ng presyo ng bigas, gulay at mga rekado sa palengke. Ang mga sumusunod ay mga dapat nating isaalang-alang upang maging maganda ang ating ani. Ito ay ilan lamang sa mga maaring nakakaapekto sa ani at pagpapaganda ng tanim sa ating sakahan/harden. Para mapaganda ang ani, maaaring subukan ang mga sumusunod: 1. Paggamit ng Tamang Pataba Gumamit ng tamang pataba na naaayon sa bawat halaman, sukat at edad ng halamang tanim. Sa bawat linggong makalipas ang patabang dapat ibigay sa halaman ay mayroon iba't ibang sukat at klase ng pataba ang dapat nating ibigay sa halaman. Ito ay para maisaayos ang magadang katawan ng halaman upang makapagbigay ng magandang ani at kita. Maaring tingnan ang pahinang ito upang malaman mo kung paano ang tama at ilang bahagya ng abono ang dapat ilagay sa tanim. 2.Maayos na Irrigation Siguruhing maayos ang si...